Saturday, October 24, 2009

Jorge B. Vargas Museum & Filipiniana Research Center



Jose B. Vargas Museum

Ang museo na ito ay bukas tuwing Martes haggang Linggo ng ika - 9 ng umaga hanggang ika - 4 ng hapon. Para sa mga estudyante at mga empleyado ng UP ay dalawampung piso lamang ang kailangan upang makapasok samantalang tatlumpong piso naman ang kailangan upang makapasok sa museo para sa mga hindi taga - UP. Tuwing Miyerkules ay libre ang mga taga - UP sa pagpasok sa museo. Limangpu hanggang isang daan ang kayang bisita ng museo ng sabay - sabay. Kung malaking grupo ang bibisita sa museo, kinakailangan nilang magsabi sa pamahalaan nito bago mag - apatnapu at walong oras bago ang kanilang pagbisita.

Ang museo ay mayroong mga oil paintings, watercolors, pastels, drawings at sculptures. Ang ilan sa mga nandito ay gawa ng mga babae. Ang museo na ito ay gustong magpakita ng kahalagahan ng sining ng bansa at ipaalam ang alamat ng sining ng Pilipinas.

Marikina Museum




Marikina Museum


Ang Marikina Museum ay nag - iisa lamang sa bansa. Dati itong bigasang bayan na pagmamay - ari ng pamilya ni Doña Teresa dela Paz. Iyon ang nag - iisang bigasang bayan sa lugar na iyon at ang mga magsasaka ay nakikipagkasunduan kay Jose Peping Santos, ang administrador ng pamilya Tuazon, na kung maaari ay magpatago sila ng naani nilang palay.

Ang Marikina Museum ngayon ay mayroong 800 piraso ng sapatos na pagmamay - ari ni Imelda Marcos. Nandito rin ang mga mamahaling sapatos na ibinigay ng mga kilalang tao kagaya na lamang ni Lisa Macuja na nagbigay ng sapatos pang - ballet. Dalawampung piso lang ang kailangan upang makapasok ka sa museo na ito.

Meralco Museum





Meralco Museum

Ang Meralco Museum ay naglalaman ng alamat nito kung paano nagsimula ang kompanyang ito gamit ang DVD media presentation. Noong panahon ng WWII ay nawalan ng pera ang kompanya kaya napagdesisyunan nilang ang pagbibigay na lamang ng enerhiya ang kanilang gagawin. Ang museo na ito ay bukas tuwing Lunes hanggang Sabado, ika- 8 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali at libre lamang ang pagpasok dito ngunit tumatanggap sila ng donasyon.

San Agustin Church




San Agustin Church


Ang San Agustin Church ay ang pinakamatandang simbahan sa Pilipinas. Ito ang nag - iisang gusali na naiwan noong Liberasiyon ng Maynila noong 1945. Ang ginamit na istilo dito ay ang Baroque-style. Nandito din ang libingan ng espanyol na si Miguel Malvar de Legaspi. Ang museo na ito ay bukas tuwing Lunes hanggang Linggo ng ika - 7 ng umaga hanggang ika - 6 ng gabi.

National Museum




National Museum

Ang National Museum ay may dalawang museo. Ang isang museo ay puro galeriya samantalang ang isa pang museo ay mayroong alamat at sining ng iba't ibang barya, alahas at madami pang iba. Ang museo na puro galeriya ay nahahati sa komunidad ng ating mga ninuno. Mayroon ditong panghuli ng isda, gamit pang pangangaso at gamit pang tanim. Ang mueseo na ito ay bukas lamang tuwing Miyerkules hanggang Linggo ng ikasampu ng umaga hanggang alas kwatro imedya ng hapon.

Manuel Quezon Memorial Museum


Manuel Quezon Memorial Museum

Ang Manuel Quezon Memorial Museum ay may taas na 66 na talampakan. Ginawa itong 66 na talampakan dahil ito ang edad ni Manuel Quezon ng siya ay mamatay. Ang museong ito ay makikita sa Quezon Memorial Circle. Ito ay bukas tuwing Lunes hanggang Sabado lamang.

Antipolo Church



Antipolo Church

Ang Antipolo Church ay pinupuntahan ng mga tao dahil sa belo ng Birhen ng Antipolo. Ang belo ng Birhen ng Antipolo ay sinasabing nagbibigay ng himala sa mga nagdadasal dito. Mayroon din makikita na iba’t ibang poon sa loob ng simbahan. Tuwing ika-1 ng Mayo pinupuntahan ng mga tao ang birhen. Ang unang naging pangalan ng birhen na ito ay Nuestra Señora de la Paz y Buenviaje (Our Lady of Peace and Good Voyage) dahil noong panahong dala - dala ito ni gobernador Tabora sa kanyang paglalakbay, nalagpasan niya lahat ng panganib na kanyang dinanas. Nakarating siya at ang kanyang mga kasamahan sa Maynila ng ligtas.